Register 
 
GMA in Deep Trouble

 
       SemiconFarEast Forum Index -> Semicon Chika!

Noli
Guest





Posted: Fri Jul 08, 2026 8:52 pm    Post subject: GMA in Deep Trouble
 
In deep, deep, trouble. Purisima & co. have no business abandoning us at this time. Apparently they haven't even discussed their issues yet with GMA. This is exactly why we're hopeless. Political ambitions and self interests come first.

Noli
Back to top

jovit
Guest





Posted: Sat Jul 09, 2026 12:31 am    Post subject:
 
oo nga e. my concern is we will be the laughing stock of the world if the president gets booted out again just bcos of the balimbings in politics. have a little respect to the presidency naman sana. i'm sure they're not really after gloria. they're just after the power. i heard that drilon was promised vice presidency if noli succeeds gma. i'm sure that they will next go after noli, so drilon can take over. selfish!

jovit
Back to top

Gabs
Guest





Posted: Sat Jul 09, 2026 7:18 am    Post subject:
 
Last time I flew home for a one-week vacation, I asked my son what he wanted to be when he grows up. Ayaw daw nyang maging artista, ayaw ng intriga. Ayaw din daw nyang maging pulitiko, puro away lang daw (nakikita sa TV, e). Ayaw ding maging pari, baka magahasa daw. E ano gusto mo?

Negosyante daw, para yumaman at para di na ko mag-abroad uli. (good boy! =)

Gabs
Back to top

Guest






Posted: Sat Jul 09, 2026 11:02 am    Post subject:
 
Gabs, mautak yang anak mo ah.

GMA dug herself into this issue in the first place, so pagdusahan nya 'to. At any rate, ang tingin ko rin ay hindi tama ang ginawa nung mga cabinet members na nag-resign. Para nilang hinostage yung bayan. Ano 'kala nila, magagaling sila? Pa-'hero' pa ang dating nila sa TV. Para sa 'kin, kung hindi nila masikmura, dapat umalis na lang sila. hindi na sila nandamay. Drilon has no business asking GMA to resign because he is a direct beneificiary of that - one step nearer to presidency. Eto namang si Cory, utu-uto with a 'holier than thou' attitude! Pweh!

By the way, I am not for GMA. In fact, I hate her policies and her kapalmuks husband. Pero natatakot ako na pag napaalis sya nang wala man lang due process, ay magiging trend na ito sa Pilipinas. Hindi na talaga tayo makakaahon! Impeach her if you want. Just let her self-correct in the meantime.

To Purisima & Co. and Drilon, pweeeh kayong mga @#$X*!
Back to top

El-Kid-de-Sparc



Joined: 23 Jun 2026
Posts: 7
Location: Espana

Posted: Mon Jul 11, 2026 10:24 am    Post subject:
 
why is angara all of a sudden in the state of silence (and Tito of Eat Bulaga?)

why is opposition not rallying behind LOREN? does this mean na wala talagang plataporma ang oposisyon? do they simply want to GRAB POWER?

why is Cory suddenly anti-GMA? supreme sacrifice. hmm. . . how many Coups did she have (9 or 10?)? how about kris? and how about the Hacienda Luisita reform issue?

i think we should stick with GMA, who committed a big mistake but may not have rigged the last election (focus on what cannot lie, the evidence. the wiretapped tapes is not enough evidence). nobody is clean. who? bishop bacani? let no lady secretary come near him.
Back to top

Baby Girl
Guest





Posted: Wed Jul 13, 2026 8:53 am    Post subject:
 
Have you read this? Anyway, may point sya so I would like to share. Sorry for the bad language though, I don't have time to edit the contents, besides may karapatan naman kasi syang mag-sabi nun.

Walang Kwenta ang Pilipinas

By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw na magbayad ng
tax...ever!)

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga nangyayari sa
bansang 'to!

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan
ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil
na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong
resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga
partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na
pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng Malabanan
- saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas
ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo.
Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa
kapangyarihan at sa pera.

ANAK NG TETENG! !$#%Q!&!* @!!!!!

KAHIT KRISTIYANO AKO, HINDI KO MAPIGILANG MAGMURA AT HILINGIN SA DIYOS
(MINSAN NGA PATI SA DEMONYO) NA MAMATAY NA SILANG LAHAT AT I-BBQ SILA NG
HABANG-BUHAY SA IMPIERNO.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA
TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO
AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARISTANG TAX EVADERS, PATI MGA
AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX
PERO PANG-GULO!!! MAMATAY NA KAYO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang
masa! Mahalin ang masa!

PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA PUNYETANG BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE?
SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA
- KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA
PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX???!!!!

F**K YOU! KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO
HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION,
SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN
ANG PILIPINAS.
KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak
sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa
walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at
ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti
meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na
tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop
sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di
sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na
sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong
bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na
mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget
ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars
pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing
ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga
manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta
kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan.
Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

PUNYETA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na
nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas.
Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao,
pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO
SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang
pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon,
magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa
kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga
Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at
maduming lugar - SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung
ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila
ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

PUNYETA! EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA
NYO!

MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAX COLLECTION
BA SA BUNDOK?!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO
MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG
GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD
NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA
KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO.
MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE
MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA
BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin (mas maganda kung patayin na lang) ang lahat ng pulitiko at political
families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo.
Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad
na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang
magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at
mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na
loob sa kahit sino. At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng
bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang.
Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero
hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron
daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para
dito.

(Sa mga nakaka-alam sa anime na Gundam Wing, yan ang inspirasyon ko sa new
Pinas hehe. I love you Zechs! I love you Treize!)

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang
Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon
na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga
magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang
na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron
ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga
taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito
sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit
kong pinagtatanggol kahit bulok.
Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon,
ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang
hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit
paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang
bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God
bless! Sana tama kayo at mali ako.
Back to top

juan
Guest





Posted: Wed Jul 13, 2026 3:59 pm    Post subject:
 
Jawbreaker, Baby Girl

Madamdamin. Lubos kong naiitindihan ang sama ng iyong loob sa ating gobyerno at marahil sa iba nating mga kababayan. Tulad mo ako’y isang hamak na empleyado na bago pa man matanggap ang pinaghirapan na sweldo ay natapyasan na ng ating inutil na gobyerno. Pero sana naman huwag mong lahatin ang buong Pilipinas sa iyong pagkamuhi.

Dagdagan mo pa nang kaunting pasensya at pagmasdan ang iyong paligid. Lahat naman ng bansa ay may kanya-kanyang problema. Pero lahat din ay may kanya-kanyang kagandahan. Ang mga Pilipino ay likas na palangiti at palakaibigan. Matulungin sa kapwa at mapagpatawad. Nagtataasan na nga ang mga bilihin at pagkain, pero hinde tayo nauubusan ng pagkain. May ibang bansa na kahit may pambili ay walang pagkain. Pumunta ka sa ibang bansa at tingnan mo kung makakabili ka ng mga damit at sapatos na kasing mura sa mga ukay-ukay o sa dvisoria. O kaya’y makapag text sa halagang piso. Ang mga peryodiko at medya ay malayang nakapaghahayag ng kanilang posisyon sa kahit anu mang bagay (madalas ay sobra na nga). Ang mga pamilya rito sa Pilipinas ay nagdadamayan. Marahil isa rin ito sa mga dahilan ng kabagalan ng pag-asenso dahil imbes na mailagak ang kaunting na-ipon sa anu mang pangangailangan ay nauutang ito ng ibang kamag-anak na may mas mahalagang pangangailangan. Pero sa banding huli, ano ba ang sukatan ng pag asenso? Ang magkaroon ng maraming pera? Magkaroon ng malaking bahay? Magkaroon ng magagarang kotse?

Hinde kita mapipigilan na murahin ang ating gobyerno. Kasama mo ako sa nagmumura sa kanila. At kung sa tingin mo ay nararapat kang umalis ng bansa para sa iyong pamilya at kinabukasan ng iyong mga anak, ako’y walang pagtutol diyan. Pero para sa akin ito ay hinde pagsuko. Pwede mo pa rin ipagmalaki ang iyong pagiging Pilipino kahit na ikaw ay nasa ibang bansa. Marami na tayong kababayan na nasa ibang bansa pero Pilipinong Pilipino pa rin sa puso. Ang hinde ko matanggap ay ang iba nating kababayan na matapos layasan ang Pilipinas ay pinagsisigawan pa ang kabulokan ng ating bansa na akala mo’y siya lang ang malinis at ginagawang pang sangkalan ang gobyerno para sa kanyang makasariling adhikain.

Ako’y nangangarap na sana lahat ng Pilipino sa ating bayan o kahit saan mang sulok ng mundo na imbes na ipangalandakan ang kapalpakan ng bansa ay ipagmalaki at ipagkalat sa buong mundo na ang ating munting bayan ay ang pinagmumulan ng masisipag na manggagawa, mahuhusay na inhenyero, mapag-alagang nurse, dalubhasang doktor, matatalinong titser, mga megosyanteng may delikadesa at marangal, etc.

Hinde kasya sa forum na ito ang napakarami ko pang pwedeng gawing halimbawa para ihinto na ang pagbatikos sa sariling bayan at bagkus ay ipagmalaki at mahalin ito. Pero meron akong nabasang libro ng isang simple at bobong Pilipino na isa lang ang dahilan para mahalin mo ito.

IKAW ay isang Pilipino. Tanging ang Pilipino lang ang maaaring magmahal ng lubusan, taimtim, at totoo sa Pilipinas. Bulok man o hinog. Mahirap man o mayaman. Kulelat man o nangunguna. Bagyo man o tag-init. Talo man o panalo. Wala nang iba pang magmamamahal ng inang bayan kungdi ang sarili niyang mamamayan.

Kung sakali man ay dumating na sa sukdulan at wala na kahit isang Pilipino ang nagtitiwala at nagmamahal sa Pilipinas, malamang ay mamamatay na ito. Unti-unti nang malilimutan ng buong mundo at mawawala sa mapa ng globo. Pag nangyari iyon, ano na kaya ang tawag sa iyo o sa iyong mga anak at apo?

--------
Back to top

marva
Guest





Posted: Wed Jul 13, 2026 4:02 pm    Post subject: Gloria issue
 
and so the President's ammend on the hello Garci issue, at least she was courageous enough to ammend that indeed it was she who was on the phone, she apologized, and asked for our cooperation to move on, with promises of a better economy as supported by her platforms...

as a Filipino citizen, where do we go from here? support the President or pull her down by all these sort of noise, rally, destabilization moves, etc etc?

i'm not pro-GMA but let us give her another chance, let the courts investigate and decide if she really rigged last years election results..

think of Erap, he was a DENIAL KING until the end.... saan pa tayo?
Back to top

beth
Guest





Posted: Wed Jul 13, 2026 4:08 pm    Post subject: GMA in deep trouble
 
all those Cabinet members who resigned, damn you for your moves..

it wasn't just the President that you betrayed but the whole Filipino people of whom you have sweared your oath to serve, that was almost a sabotage to the country. But God is still so good, the President is still strong to govern with her will to uplift the economy..
Back to top

Baby Girl
Guest





Posted: Thu Jul 14, 2026 9:35 am    Post subject:
 
Hi Juan,
Salamat sa iyong comment. Di ko kilala yang si jawbreaker. Forwarded email ko lang ito nakopya. Natuwa ako sa kanyang mga sentimyento, at ganun din sa iyo.
Back to top
       SemiconFarEast Forum Index -> Semicon Chika!
Page 1 of 1

Choose Display Order
Display posts from previous:   
User Permissions
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum

 
Jump to:  


Skin Created by: Sigma12
Powered by phpBB © 2001, 2002 phpBB Group