Admin Site Admin
Joined: 12 Jun 2026 Posts: 61
|
Posted: Mon Jun 23, 2026 11:11 pm Post subject: Makiling Trek with Former Intel Friends |
|
|
Reposted from SFE's old Semicon Chika Forum
| Quote: |
Date: 08 Aug 2026
Time: 20:00:41
Remote Name: 137.71.23.54
Remote User:
Rey, Joseph & Nel, Ike, Eric, Noel, Bay, Leila,
I just want to document for posterity our Makiling trek tomorrow, Aug. 10 2002, in this lovely website dedicated to semicon manufacturing in the Far East. This trek is in honor of Rey, who is returning home for a vacation from HK, kung saan siya naghasik ng lagim for the past few years.
For those of you who can't join, but would surely have joined, kukuwentuhan na lang namin kayo pagbalik namin.
EE
Emails:
==============
09 Aug'02
Mga Chongs,
I am leaving the office now and will soon be in my flight back to Manila in the next 3 hours.
I'll see you tomorrow at 6:45 am.
Remember, kaliwa sa SS hiway 15 minutes, then kanan 15 minutes, then half-kaliwa to Sta. Rosa 12 minutes, then kaliwa 3 minutes sa bahay ng biyenan ko, on the left side, green gate.
Oki-doki.
Rey
=============
07 Aug'02
Mga Chongs,
The plan below is the FINAL PLAN. 6:45 am sa bahay, Sabado (Aug 10). Aalis na tayo ng 7:30 am after breakfast sa bahay.
Attached are sketches to the house. Ang pangit ng pagkakadrawing at pagkakasulat, but I'm sure you'll get by.
Following are our mobile phone #'s (I hope these are not confidential):
(Of course they're confidential, so I edited them out - EE)
Oki-doki?
See you all on Saturday, 6:45 am.
Rey
=============
05 Aug'02
Hello Jopes,
As I have mentioned in my email this morning, mayroon na tayong jeep that will bring us to Nursery. So done na ito.
The next question is saan tayo magpa-park? Puwede ulit sa bahay pero malaking abala ito, kasi imbis na derecho kayo sa UPLB, dadaan pa kayo sa Sta. Rosa, so that means, dapat 6 am nasa bahay na kayo to be at UPLB at 7 am. Sino ang may alam kung saan puwedeng magpark sa UPLB? How about sa loob ng UPLB?
Noel, taga-saan ka ba?
Rey
=============
Sent: Monday, August 05, 2026 1:59 PM
Reyco,
It's a go for Ike. That makes us lucky nine. San kaya magandang magpark dun? Kita kits kaya tayo sa Jolibee. I still want to try if we can hire a jeep that would bring us to nursery. We have done this last time. If the price is right lang naman yan eh. To those who will come early, they can have breakfast or coffee at Jolibee. Puwede rin sa Mcdonald (olivares). May parking sila sa likod. Baka payagan tayong mag-park dun. Seven am meeting time is just right.
Leila, Kita tayo ng 6 am sa Bicutan exit or bicutan entrance?
Bay, Puwede ba kaming sumabay sa iyo? San ka manggagaling? Baka puwede tayo kita sa poveda.
Noel, Sabay ka na lang kay Reyco.
Elmer, Ike, Eric, Diretso na ba kayo dun?
=============
02 Aug'02
Jopes,
Ayos, walo na tayo.
Andrew/Mel/Ambet, ano na kayo tatlong itlog? (balot, penoy at bugok, bahala na kayo kung sino yung huli). Nagtuturuan.
Chongs, derecho na sa UPLB (kaya lang magpa-park sa amin ay kung overnight). Assembly time at 7:00 am (dapat nakakain na ng agahan), then takbo na ng 7:30 am.
From UPLB to the nursery, may parteng matarik at may parteng mabako. So hindi kaya ng jeep ang tarik (pang patag lang ang mga ito). Sana sasakyan natin, pero baka hindi kaya dahil sa bako, walang nag-ocular sa atin, so hindi natin alam ang condition ng daan ngayon, so no choice tayo, but to walk from UPLB to Nursery, isang oras din ito.
From UPLB at 7:30 am or so, dating tayo sa peak ng mga 2:00 pm tulad ng sinabi mo. 4 pm baba na. 8 pm nasa UPLB na tayo ulit. At least aabutin tayo ng dilim (mga 6:30 pm), lampas na tayo sa masukal na daan, nasa kalsada na tayo.
Dagdag sa things to bring:
1) Palakol or gulok. Siguradong may mae-encounter tayong harang sa daan 2) Extra shirts 3) Maliit na tuwalya 4) Then poncho (binanggit na ito ni Jopes, but I have to repeat this kasi mahirap mabasa ng ulan during the trip, baka magkasakit pa tayo). 5) Speaking of rain, bring Ziplock or equivalent (para hindi mabasa ang mobile phone, pitaka, etc).
Ayos.
Rey
=============
Reyco,
Go for Bay and Leila. Nhel might come with us (request ni Leila), but not yet sure. Total of 8 tayo so far. Di ko ma-contact si Ike. Sana sumagot thru mail. Si Ambet sasama daw pag kasama si Mel. Si Mel sasama pag kasama si Andrew. Si Andrew ayaw sumama. Ang labo ng tatlong itlog na ito! Pero baka nagbibiro lang si Mel. Malay no sasama talaga. Eh di kasama rin si Ambet. With Ike, Mel and Ambet eleven tayo lahat. Good for 1 jeep. We can finalize the plan. Balikan dapat (boundary condition ni Bay and Leila ito). Alis tayong maaga, say 6am, para by 8am start na ng hike. Mga 2 pm nasa peak, then start to descend by 4pm. Around 8pm nasa Los Banos na ulit tayo. Mas maganda kung yung jeep maihahatid tayo hanggang sa end ng road (not justsa nursery) para may daya ng kaunti. Baka one car kami nila Bay, Leila and Noel. Sa inyo pa rin ba magpa park? Pls lay down the itinerary.
Must Bring Items: Nice to Bring
1. Flashlight with backup batteries 1. Camera 2. Cold gear 2. Binoculars 3. Rain gear 3. Playing cards 4. Sun Gear 4. Communication Equipment 5. Personal medicine kit 5. Limatik Repellant
6. Salt 7. At least 2 liters of H2O 8. Rope 9. Enough money for personal expenses 10. Carlos Primero 11. Food (chocolates, pakwan, etc.)
regards,
Jopes
=============
31 July'02
Elmer,
Bigla akong sumaya ng makita kong ikaw ay kasama, kasi may makakatunggali na ako sa asaran, kasi no match sa akin si Eric, Jopes at Noel, maski na magtulong-tulong pa sila. With you around plus the other 3, baka maka-tabla na kayo. So lima na tayong confirmed, so tuloy na ito. Sagot na lang ni Bay at Ike ang hinihintay ("no" sila Mel, Andrew at Leila, masakit man ang aking kalooban).
So overnight na ulit para mas masaya ang kulitan at ang paginom ng Carlos Primero.
Bay/Ike, pls reply so we can make the final plans. Deadline tomorrow morning. Bay, kailangan ka dito para ma-reverse natin yung pagka-corny ni Elmer before it's too late.
Rey
============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 11:22 AM
Pareng Jopes,
Isa pang dahilan kung bakit gusto kong sumama ay dahil medyo nauubusan na ako ng materyal sa pagpapatawa. Yung mga natutunan ko sa inyo noong late 80's ay kumita na nang husto rito sa Analog. Lately eh nahahalata kong medyo nagiging Chiquito na ang mga punchline ko (kulang na lang eh basain ko ng laway ang mga kilay ko bago magsalita). Kaya balak kong makita itong si Rey at Bay - baka sakaling makapulot ng mga bagong style.
Elmer
=============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 11:12 AM
Pareng Elmer, Mabuhay ka! Buti ka pa, late nang nasabihan pero sasama. Yung iba dyan, nag-suggest pa kung saan pupunta, di naman pala sasama. Looking forward to see you chong. It's been a long time. Naging cavitenyo ka lang nawala ka na sa circulasyon. If you remember, tagal na nating pina-plano na lumabas para uminom pero di matuloy tuloy. At least ngayon, di lang bottle of beer, carlos primero pa, courtesy of the legend. See you.
Jopes
=============
Pareng Rey,
Kumusta na? Wala na kong mga limatik - inarbor na 'to ni Pareng Igs - ginawang appetizer. Marami sa inyong nagsasabing tumanda na kayo, o tumaba, o nasira ang tuhod,pero kitang kita kong hindi pa rin nagbago ang inyong mga animo. Mga patawa pa rin kayo. Ako eh ganyan din ang philosophy sa buhay - old but handsome on the outside, but young on the inside.
Hindi nyo na kailangang tanungin kung sasama ako. Imposibleng hindi ako payagan ni Fanims. Sa line-up pa lang ng mga nag-confirm eh solve na - pawang mga MVP ng masarap na kuwentuhan ang mga sasama. Tapos eh hahaluan pa 'to ng Carlos Primera na isang institusyon ang magdo-'donate', isang idol kumbaga.
Ngayon pa lang eh mag-jo-jogging na ako. Baka hindi ko na kayanin ang balikan. Ba't nga pala balikan ang balak nyo? Anyway, kung yan ang gusto nyo ay OK na rin sa 'kin yan. Ang mahalaga ay ma-asar ko ulit kayong lahat.
Elmer
=============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 9:35 AM
Chongs,
Elmer, kumusta ka na? Nakadikit pa ba sa pisngi mo yung mga limatik? By this time, siguro nag-aaral na ang mga iyan sa high school.
The following are confirmed: Rey, Eric, Jopes, Noel
Plan: Most likely balikan, kasi hindi na kasama si Andrew (labs-mabo si Andrew, kaya nga naging overnight ang plan dahil sa iyo). Ayos lang ang balikan, kasi parang nag-exercise lang tayo at kaunti lang ang dala natin. Alis tayo ng maaga ng Sabado, so we can enjoy the peak longer. We can meet up in UPLB already. I will provide the detailed plans later.
Regards.
Rey
===============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 9:20 AM
Mel,
isama na lang natin si andrew sa kuwentuhan. siya ang topic. oks ka naman pag balikan di ba? sunday naman ang schedule mo ng laba eh.
joseph
=============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 9:03 AM
basta, kung hindi sasama si andrew, hindi na rin ako sasama (hehehe). mel
=============
Sent: Wednesday, July 31, 2026 9:05 AM
Rey,
i'm okay. sino ang magdadala ng tent? wala na ako nito. kailangan ko rin medyo magaan lang ang dala, kasi injured na ang tuhod. carlos primero is brandy right? okay inumin ito kahit walang yelo. saka brandy is good pag taglamig. dapat lang isalin sa hindi babasaging container. i also suggest, ihatid tayo ng jeep hanggang dun sa dulo ng kalye. this will eliminate the need for advance party, kasi mga one hour din ang savings nito. Nakausap ko si andrew sa kantin one time. his concern is hindi na raw nya kakayanin. not a good excuse, kaya lang baka may iba pang reason na hindi lang masabi. si mel konting pilit pa, bibigay din yan. si ike, will give his answer tom. tingnan raw muna sched. si domeng, wala raw misis nya. siya ang mag-aalaga ng katulong. si bay may church activity ng sunday. okay daw siya kung sabado lang (balikan ba). I copied elmer epistola here. elmer, oks ka ba? Reunion ito ng mga orignal intel mountaineers (after 15 years and 50 lbs ago). You need to join us. don't know leila's number, di ko matawagan.
regards,
jopes
=============
Sent: Tuesday, July 30, 2026 5:59 PM
30 July'02
Chongs,
I'm OK with Eric's suggestion.
Ipabibili ko kayo ng gotong mainit, with choice of aroz caldo. At saka pandesal, na may palaman na hamon. Inumin? Uminom kayo sa tubig ninyong dala.
So slight change of plan. Pls arrive sa bahay at 9:30 am +10 minutes/-30 minutes (I have an earlier appointment so will be back sa bahay around 9:15 to 9:30 am, so kung puwede you guys arrive at 9:30 am para nandoon na ako, kasi idi-direct ko yung parking natin).
Then alis na tayo ng mga 10:15 am. Nasa UPLB na tayo ng mga 11:15 am. Then lunch tayo ng mabilisan sa mga canteens doon. We should be on our way at about 11:45 am. So nandoon na tayo sa Peak ng mga 6:00 pm or 7:00 pm, baka hindi na kailangan ang advanced party, let's see how it goes. Kung talagang mabagal tayo as one group at medyo dumidilim na, tingin ko kailangan may mauna talaga at hindi na natin saulado ang daan at condition ng peak.
3 na ang confirmed. How about the rest?
Rey
=============
Sent: Tuesday, July 30, 2026 5:02 PM
Guys,
I'm in.
As tempting as the free lunch at Rey's place is, may I suggest we leave earlier so we reach the peak before dark. Morning merienda na lang Rey sa inyo, then we leave Sta Rosa about 10am. that means all are at the peak by 6pm which is still daylight.
Eric
=============
30 July'02
Mga Chongs/Chang,
Malapit na ang Aug 10. Pls read the following:
1) Sino-sino ang confirmed? Pls say "go" or "no go" as soon as you read this message. I am "go". Please don't wait to be followed-up, you guys are all professional communicators. Pls reply not later than end of tomorrow so we know who's coming and who's not, but I expect all of you guys to join (except perhaps Leila). Bukod sa atin, mayroon pa bang iba?
2) The plan is punta kayo sa bahay (I will provide the map later). All must be there before 12:00 noon of Aug 10. Doon na kayo mag-lunch (but don't expect too much). Pinaalam ko na yung garahe. Kasya ang 5 additional sasakyans, 6 max. So yung iba, mag car-pool na.
3) Nanghiram na rin ako ng jeep. Hatid tayo on Sat, then sundo on Sunday. Chip-in tayo ng mga P100 to P200 pesos per head, depende kung ilan tayo.
4) Alis tayo from Sta Rosa at 1:00pm (so dapat kumpleto rekados na kayo, wala ng dapat bilhin or ayusin, kakain lang tayo sa bahay at garahe ng mga sasakyan), nasa UPLB na tayo ng 2:00 pm.
5) Then arangkada na. I suggest may maunang grupo, say Jopes, Rey and Ike(or Noel), para itrail-blaze ang daan (kasi hindi na natin saulado) at ihanda ang peak for tulugan, bonfire, lutuan, etc.
Tiyak na sa bagal natin, eh, aabutin tayo ng dilim sa daan, so it is important na maka-alis tayo ng Sta. Rosa ng 1:00 pm. From UPLB gate, previously it is about 5 hours, now I think we will do it in 6 to 7 hrs. Yung advanced party, I think can make it in 4 to 5 hrs.
Anyway may mobile phones naman tayo (may dala rin akong walkie talkie) for communication.
6) May palakol akong dala. Jopes, Ike and Noel, since most likely tayo ang advanced party, magdala kayo ng malaking gulok (for trail-blazing, and camp site set-up).
7) The second group will most likely reach base camp by 8:00 pm (mainit na ulo ni Andrew by this time, thinking "bakit ba ako napasama sa mga ulol na ito, pasakit lang sa katawan?").
Then pahinga, dinner, set-up ng tulugan, then kulitan, bidahan, etc. By This time, malamig na si Kabayo and nagbibiro na.
Tanong: Magdadala ba ako ng alak? Ang daming Carlos Primero sa bahay, kaya lang ang hirap inumin nito ng walang yelo. Anong say ninyo? Gilbey's gin na lang siguro.
By 12 midnight, some of us will start to sleep. Dapat may dalawang bantay, every 2 hrs 12-2, then 2-4, then 4-6. We decide later. By 6 am, gisingin na, breakfast, then tiklop-tiklop na. By 7:30 am or so, dapat bumababa na tayo.
Nasa UPLB gate na ulit tayo ng mga 12:00 noon. Doon na tayo mag-lunch (kasi kung sa bahay, yung kinain natin the day before ang ating kakainin ulit), then nasa bahay na ulit tayo ng mga 2:00 pm.
By this time, taing-tae na si Andrew so he will ask me "Boy Utos, nasaan ba ang banyo ninyo, "maghihilamos" lang ako". Andrew, puwede ba, umebak ka na sa bundok, nakatulong ka pa sa nature by providing fertilizer.
Then uwian na. Sa December na ulit, Mt. Pinatubo naman.
9) I will email later yung recommended "things to bring".
10) Andrew: This is optional. Kung makakadaan ka sa mga tindahan ng camping gears diyan sa Pinas, ibili mo naman ako ng 2 butane canisters, Camping Gaz, made in France, the model is CV470 (450 gms) or CV270 (250 gms yata ito). This is for my camping lutuan and camping lantern.
It is blue in color, 4" diameter and 5" height. You won't miss it if you seethem sa tindahan ng mga camping gears. May 3 canisters ako dito sa HK, pero bawal sa eroplano ito.
Yung CV470 ay P320 dito/canister, siguro mga P400 to P600 diyan. Pls buy me two, then babayaran na lang kita on Aug 10.
O papaano, hanggang dito na muna. Jopes, pls help me coordinate this on Your side. Pls start to call them one by one.
Thanks.
Rey
=============
22 July'02
K,
Kumuha ka ng trolley sa Intel at itutulak kitang paitaas. Free wheeling ka na pababa.
Kung ikaw ay siguradong sasama, then we have no choice but overnight, back to the original plan, alis ng sabado ng tanghali (isaksak ninyo sa bahay yung mga sasakyan ninyo, pero mag car-pool na yung iba), baba ng umaga ng linggo. OK din ang overnight, para mas masaya, kaya lang madami tayong dapat bitbitin sa bag, pero iba pa rin siyempre yung matulog sa bundok, just like old times.
Mga chongs, anong say ninyo?
Rey
=============
Sent: Monday, July 22, 2026 7:23 AM
as mentioned before hindi ko na kakayanin ito. A
|
Last edited by Admin on Tue Jun 24, 2026 9:50 am; edited 1 time in total |
|
Admin Site Admin
Joined: 12 Jun 2026 Posts: 61
|
Posted: Mon Jun 23, 2026 11:25 pm Post subject: |
|
|
Reposted from SFE's old Semicon Chika Forum
| Quote: |
Date: 15 Aug 2026
Time: 23:03:06
Remote Name: 137.71.23.54
Remote User:
13 Aug'02
Mga Chongs,
Narito na ang mga kuha natin sa Makiling. Anim tayo lahat-lahat - Rey Co, Noel, Elmer, Jopes, Nhel and Eric. Nag back-out at the last minute si Bay, Ike and Leila, parang hindi ko mga ka-batch ito.
Lahat ay on time dumating, una si Noel, 6:30 am pa lang ay ginigiba na ang aming gate. Si Eric ang pinakahuli, pero mga 7:20 am siya dumating, within specs though marginal. Then kami ay kumain ng breakfast sa bahay - goto at tinapay na may hamon. Yung mga kulang sa baon, hinakot lahat yung hamon. So maski na anim lang kami, akala ng biyenan ko ay 20 kami kasi naubos yung hamon. Pinagmumura ako ng dumating ako, anyway.....
Narito ang una nating kuha, mga 1.5 kms away from the nursery (partida pa, normally nagsisimula tayo sa nursery), kasi bako-bako yung kalsada, kawawa yung jeep, kaya bumaba na tayo midway to Nursery. We started our hike at about 9:40 am, then nasa Nursery na tayo ng mga 10:15 am.
Tapos along the way, marami tayong nakasalubong na mga istudyante na umatras na, kesyo may natumba raw na malaking puno ng balite, kesyo marami raw limatik, etc, etc. Sabi natin, "wala iyan". Eventually narating natin yung balite. See pictures below:
After the balite, wala na, dere-derecho na, although super dami ang mga limatik kasi basa ang trail. Ako at si Jopes ang pinapak ng limatik, kasi mga dugong bughaw daw kami. Si Nhel ay takot na takot sa limatik, so maski na gusto niyang mag-pahinga, ayaw niya kasi gagapangin siya ng mga limatik.
12:00 ng tanghali tayo ay tumigil at nag-lunch. Si Noel ay walang baong kanin, pero dahil sa kabaitan natin, lumabas siya pa ang may pinakamaraming nakain kasi siya ay nakakuha ng share sa lahat, so ang dami niyang ulam. Noong huli nga siya na ang tumatanggi kasi binibigay namin ang aming pagkain para gumaang ang backpack namin, kami pa ang may utang na loob.
Then after lunch, 1 1/2 hours na parusa, kasi panay pataas na at matatarik pa, paa't kamay na ang kailangan. Mali yung timing for lunch kasi bumigat ang pakiramdam natin. Gayunpaman, eh, nairaos din at narating natin ang peak at 2:00 pm, less than 4 hrs from Nursery, mas mabilis pa as compared to our akyats 15 years ago or so (normally it's 4 hrs from nursery) due to one main reason: noon, panay pahinga at kulitan at ninanamnam ang view, ngayon, dahil sa edad at responsibilidad, gusto na lang makarating na sa peak at mairaos na ang kalokohan na ito, kaya narating namin kaagad ang peak. See pictures below:
Then we stayed for 1 hr sa peak, pinagbibidahan at pinagaapi ang isang tao na dapat sana ay kasama sa hike na ito pero nag back-out. Kayo na ang bahala kung sino siya.
Then at 3:00 pm, we started our descent. 30 minutes from the peak, eh, yung vertical climb. See picture below, again of the tres amigos, with Laguna de Bay at the background. Kung may kagalit kayo, dito puwede kayong magkunwari na nadulas, sabay tulak doon sa kagalit mo, sa Laguna De Bay na ito dadamputin. Sayang, kung kasama lang si Ike, sana na-test ko itong theory na ito, kasi ako raw ang nag-lead ng kami ay maligaw sa Makulot.
Then ayos lang ang pababa, although maraming nadulas along the way. One time, nag 180 degree split si Elmer, buti na lang naka maong stretch siya or else, wakwak ang kayang pantalon. Elmer, puwede ka ng mag-apply sa Swan Lake. We reached nursery at 6:00 pm, 3 hrs lang, just the same 15 years ago. Doon kami ay uminom ng buko. Si Eric ay pinagalitan pa yung tindera kasi hindi raw malamig yun coke niya, kumalma lang siya ng nagprisinta si Elmer na siya na ang magbabayad, wala palang pangbayad si Eric, kaya nagkunwari lang na galit.
Tapos nagpahatid tayo sa jeep from nursery hanggang forestry, mga 30 minutes sa jeep, so mga isang oras na lakad din ito. Gusto ko sanang lakarin hanggang forestry pero suko na yung mga kasamahan ko, maliban kay Noel. Pagdating sa forestry ng mga 6:45 pm, eh, naghihintay na yung jeep na sundo natin. Then kumain tayo ng hapunan sa Calamba, bulalo, super sarap ang sabaw at ang utak ng buto, bigla tuloy tumaas ang cholesterol ko, pero ok lang, kasi marami namang natastas during the hike.
Then we arrived sa bahay at 8:50 pm, ahead of our original schedule na 9:00 pm. Then uwian na. Balak pa sanang magbaon ng goto si Noel, inabot na lang ng hiya.
Pagkaalis ninyo ako ay pinagmumura ako ng biyenan ko, sabi bakit mga walang baon ang mga kaibigan mo. Sabi ko, pasensiya na ho kayo, mga limatik ho ang mga ugali ng mga iyon. And speaking of limatik, pls see below ang mga kagat ng limatik sa paa ko. You can see 3 in the picture, there's another 3 on the other side of this sock, and another 3 on my other sock, so totally 9 ang kagat ko, kasi nga dugong bughaw ako.
All in all, maayos naman ang lakad na ito.
SUMMARY:
Maaga si Noel, at 6:30 am Late si Eric, pero within specs pa rin, at 7:20 am Hinakot ni Noel yung hamon. Alis ng Sta. Rosa at 7:50 am Hike started at 9:40 am Balite Limatik, limatik, limatik Lunch 12:00 noon Peak 2:00 pm Pinag-aapi si ??? 3 letters (Ike, Bay, Lei, Mel, Bet for Ambet, Kab for kabayo) Start descent at 3:00 pm Nag-180 deg split si Elmer at 3:45 pm Nursery 6:00 pm, buko, yung hirap ni Eric binunton sa tinderang walang kamuang-muang, sabi tuloy, "taga-IBM ka talaga" Forestry at 6:45 pm Bulalo at 7:45 pm Bahay at 8:50 pm Pinagmumura ako ng biyenan ko, sabi tuloy "taga-IBM ka ba?"
CONCLUSION: Hindi pa tayo laos, after all these years! and pounds!
PLANS & PROGRAMS: Next trip - Mt. Pinatubo
End of report.
-Rey Co
|
|
|